Thursday, March 19, 2009

Augh..

Antagal ko napaisip kaninang hapon. Nakakagulo ng utak. Buti na lang at nakapag-ice cream at taho kami nila Marko't Harvey. Medyo luminaw isip ko ng dahil sa ice cream na 'yun.

Pinagmamasdan ko lang si Abe after umalis ni sir sa room. Nung tinignan ko yung facial expression niya, parang blanko na parang dissapointed. Nung nakita ko yung dissapointment sa mukha niya nawala sa utak ko yung iniisip ko tapos napaisip ako kung paano namin ni-let down si Abe. Parang naisip ko yung mga times na si Abe lang umaasikaso ng mga pinapagawa by group sa research tapos kaming mga groupmates niya pa-easy-easy lang, parelax-relax lang, pakain-kain lang ng yema na galing sa coop. Inaako na niya lahat ng kelangan gawin ng isang buong group. Buti na lang at andyan si Luiz na kahit papaano ay malaki ang tinutulong kay Abe. Naalala ko tuloy yung isang time na nasa library kami sa UP para sa isang off-camp'. Si Abe at Luiz nagsisipag na basahin at magtake notes galing sa mga libro tapos ako natutulog lang at nakikinig ng iPod. Nung medyo nagising ako at lumingon kay Abe, sabi niya matulog na lang daw ako wala naman daw ako ginagawa. Hinahayaan niya lang akong magtamad-tamaran habang sila ni Luiz nagpapakahirap para sa research paper namin.


Nung makita ko yung dissapointment sa mukha ni Abe...

medyo nagulo yung isip ko. Nung sinabi kasi ni sir na tatlong 70 ibibigay niya sa amin, parang walang dating sakin ung ganun. Yung nasa isip ko, "Ook. Tatlong 70, dapat lang siguro dahil wala naman talaga kami ipapakita ngayon". Tapos nung nakabalik na kami sa upuan namin naisip ko na tapos na defense namin, balik na sa normal na buhay. After nun, akala ko ganun din nasa isip nung mga groupmates ko; nagdrawing-drawing pa ako ng kung anu-ano habang nagdedefend yung ibang group. Wala na ako pakialam sa mundo habang nagdo-drawing ako ng kung anu-anong lumabas sa utak ko. Hindi ko pinapansin yung mga groupmates ko. Hindi ko napansin na may impact pala sa kanila yung nangyari, lalo na kay Abe.


Nung nakita ko yung dissapointment sa mukha ni Abe...

at saka lang lumutang sa isipan ko na oras na para gumawa ng "research". Buti na lang at binigyan pa kami ni sir ng pangalawang pagkakataon para magpasa ng research paper. Napaisip tuloy ako kung bakit wala akong pakialam sa "research" na 'to mula pa nung 1st quarter. Pa-easy-easy lang ako pagdating s "research" at tuwang-tuwa pag off-camp' dahil makakauwi ako ng maaga o hindi naman kaya ay hihintayin ko lang magtanghali para makapag "SM" na.


Nung nakita ko'ng parang malungkot din si Abe dahil sa nangyari...

naisip ko na ansama pala naming groupmates kay Abe. Lahat na lang kasi sakanya namin inaasa.


Nung nabasa ko yung blog ni Abe tungkol sa tatlong 70 na yun, mas lalo lumaki paghanga ko kay Abe dahil sa kabila ng lahat hindi niya kami sinisi dahil sa mga kakulangan namin as members ng group. Buti na lang at hindi siya nagalit sa amin.


Dapat lang siguro na siya ang naging group leader namin dahil napakaresponsable niyang pinuno sa amin. Sa tingin ko ay nagampanan naman ni Abe ang tungkulin niya ngunit kulang talaga 'yon dahil halos hindi kami tumutulong sa kanya sa mga gawain ng group, kung meron man ay kakaunti lang. Enough na talaga yung ginagawa ni Abe para sa group pero nahahatak lang talaga ng katamaran namin.


Sa totoo lang tumutulong naman talaga yung mga groupmates ko kay Abe kahit paminsan-minsan pero hindi lang talaga sapat yung natutulong nila. Pero buti nga sila may natutulong pa kahit papaano lalo na si Luiz na lagi tumutulong kay Abe tska kay Royce na nagaasikaso kahit papaano ng ilang papers. Pero ako wala talaga ako natulong sa kanila.


Kaya nga iniisip ko na tutulong na talaga ako sa group eh. Lalo na pagdating ng fourth year.


Sana talaga may mapala na kami sa next school year.


Tutulong na talaga ako sa group namin.


Kaya't pag tatamarin ako gumawa ng "research", babasahin ko na lang 'to para kahit papano mawala yung katamaran ko.


Gudluck na lang samin. Hehe.